<aside> 📔 Table of Contents


1. Paghahanda sa Hinaharap

Ang pagpaplano ay ang pag-iisip tungkol sa iyong kinabukasan at paglalagay ng mga bagay sa lugar upang malaman at gawin ang mga pinili mo kung hindi mo na maipahayag ang mga ito sa iyong sarili sa huli mong mga taon ng buhay.

Maaring mangyari ito kung bigla kang madisgrasya, maging labis na maysakit o magkaroon ng kondisyon tulad ng dementia na nakakaapekto sa iyong memorya at kakayahan sa pagpaplano. Ang pagpaplano ay maaaring isama ang mga isyu na may kinalaman sa iyong mga pinansyal, pamumuhay o pangangalagang pangkalusugan.

Ang kabanatang ito ay tutulong sa iyo na magplano para sa iyong kinabukasan. Ito ay isang praktikal at kumprehensibong mapagkukunan para sa mga tao sa buong Australia tulad mo. Nagbibigay ito sa iyo ng impormasyon na kailangan mo upang makagawa ng mga desisyon at tumulong sa iyo na isakatuparan ang mga desisyon mo.


1.1 Tungkol sa Planning Ahead na mapagkukunan ng website

Sino ang dapat gumamit ng site na ito?

Ang website ay may impormasyon na may kinalaman sa:

Paggamit ng site upang itayo ang iyong sariling plano

Ang website ay may iba't-ibang impormasyon at mga worksheet na maaari mong tingnan at mailimbag. Makikita mo ang simpleng anim-na-hakbang na plano namin na inilahad sa seksyon ng website na pinamagatang My plans.

Paggamit ng site upang tulungan ang iba na magplano para sa hinaharap

Kung ikaw ay isang miyembro ng pamilya, kaibigan, o tagapag-alaga, tingnan ang seksyon na may pamagat na Their plans. Dito, makakakita ka ng malawakang hanay ng impormasyon, halimbawa, at mga worksheet na tutulong sa iyo na suportahan ang taong inaalagaan mo upang gumawa ng mga desisyon, o tutulong sa iyo na gumawa ng mga desisyon para sa kanila kung hindi sila kayang gumawa ng kanilang sariling mga desisyon.

Paghahanda sa hinaharap sa iyong estado o teritoryo

Ang mga regulasyon at mga form na may kinalaman sa paghahanda sa hinaharap ay nag-iiba sa iba't-ibang mga estado at teritoryo. Ang website ay binuo upang isama ang mga pagkakaiba na ito sa dalawang paraan. Una, sa iba't-ibang bahagi ng website ay hihilingan ka na pumili ng iyong estado o teritoryo at ibibigay ang angkop na impormasyon at mga form. Pangalawa, maaari kang pumunta sa Seksyon 3 ng website, na may pamagat na Planning tools, upang makakuha ng angkop na impormasyon para sa iyong lokasyon.

Mga alituntunin para sa pagkumpleto ng mga worksheet sa advance care planning